Home NATIONWIDE Tama at mahigpit na implementasyon ng waste management tugon vs baha –...

Tama at mahigpit na implementasyon ng waste management tugon vs baha – Senate chief

2
0

MANILA, Philippines – Sa paggunita ng National Clean-Up Month ngayong Setyembre, nanawagan si Senate President Sherwin Gatchalian ng mas mahigpit na programa sa waste management at tamang pagtatapon ng basura.

Aniya, ang mga nararanasang pagbaha sa Metro Manila at kalapit na lalawigan ay dulot din ng mga baradong daluyan ng tubig.

“Magsilbi sanang paalala ang paggunita sa National Clean-Up Month upang paigtingin ang ating disiplina sa pagtatapon ng basura at siguraduhing maayos ang koleksyon at disposal nito. Nakita natin sa nagdaang mga pag-ulan kung paano nabara ang mga daluyan ng tubig dahil sa basura, kaya nakadagdag ito sa paglala ng mga baha at nalagay sa peligro ang ating mga kababayan,” ani Gatchalian.

Bilang tagapagtaguyod ng waste-to-energy program, binigyang-diin ni Gatchalian na dahil sa epekto ng climate change at pagiging vulnerable ng Pilipinas sa mga bagyo, kailangan ng bansa ng isang komprehensibong programa para sa maayos na pagtatapon at pamamahala ng basura.

Isinusulong din niya ang isang infrastructure master plan na nagsasaalang-alang sa mga hakbang para sa pagkontrol sa baha tulad ng mga pumping station, underground water storage system, at mga embankment.

Nauna nang inihain ni Gatchalian ang Senate Bill No. 365, o ang Waste-to-Energy Act, at Senate Bill No. 1652, na nagmumungkahi sa paglikha at pag-institutionalize ng Masterplan for Institution and National Development (MIND) Council. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here