Home NATIONWIDE Angara aminado, ahensya ‘di handa sa mga school shooting

Angara aminado, ahensya ‘di handa sa mga school shooting

1
0

MANILA, Philippines – “We were just used to focusing on the academic performance of the children.”

Ito ang sinabi ni Education Secretary Sonny Angara kasabay ng panukala na lumikha ng isang interagency task force na susuri sa mga gap sa seguridad sa mga paaralan at tugunan ang mental health concerns ng mga estudyante.

Matatandaan na nagkaroon bna naman ng pamamaril sa isang paaralan sa South Cotabato na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong estudyante at walo iba pang sugatan.

Pagsasama-samahin ng task force ang Department of Education (DepEd), Philippine National Police, at Department of the Interior and Local Government (DILG) para alamin kung paano sinisiguro ng mga paaralan ang kaligtasan ng kanilang mga bisinidad at paano tumugon sa mga banta.

Kasama rin dito ang mga kakulangan sa physical access control, threat reporting, emergency response at koordinasyon sa mga awtoridad.

Sa pahayag ng DepEd nitong Sabado, sinabi na ang panukalang pagsusuri ay makatutulong sa pagtatag ng operational framework na maaaring magamit ng mga paaralan sa pagresponde sa mga krisis.

“We really need to beef up security measures because we are really not prepared for these shootings,” ayon kay Angara. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here