MANILA, Philippines – Muling umugong sa larangan ng sabong si Ka Rex Cayanong matapos nitong mag champion ng dalawang big events sa loob ng Isang araw noong Setyembre 17.
Gamit ang entry name na “Ka Rex 6-Stag Nov. 15 SPC”, nagkampeon si Cayanong sa pa derby ni Budjit Aguilar na 6-Stag Derby na ginanap sa New Zapote Cockpit.
Nakipagsanib puwersa si Cayanong kay Anteng B, umiskor ito ng 5 1/2 upang iuwi ang korona.
Nagliyab din ang performance ng mga manok ni Cayanong sa Pasay Cockpit dahil sinikwat din nito ang kampeonato sa 6-Stag na palaban ng host na si two-time World Slasher Champion Honey Yu.
Kay Carlo Dizon naman nakipagtambalan si Cayanong at nilista nila ang limang puntos.
Ayaw paawat sa pamamayagpag ang veteran broadcast journalist na si Cayanong dahil naka pitong kampeonato na ito ngayong 2026.
Namayani si Cayanong noong Hunyo 19 na ginanap sa Del Monte Cockpit, katambal niya si Ian Avila habang si Ed Monreal ang host.
Kuminang din si Cayanong sa Cavite Coliseum noong Hunyo 19, umiskor ito ng 5 points sa palaban ni Biboy Enriquez, ginamit na entry name ay Ka Rex Cayanong/ Anteng Bullecer.
Noong Setyembre 1 ay sa Pasay ulit bumida si Cayanong sa Isang 5-Stag Derby.
May palaban si Cayanong sa Nobyembre 15 sa San Pedro Coliseum ito’y ang Sabong On Air 6-Stag Derby (National Banded) kaya asahang dudumugin ito ng mga bigtime sabungeros.
Nkalaan ang P600,000 guaranteed prize sa nasabing pa derby ni Cayanong kung saan ay tumataginting na P300,000 ang ibubulsa ng magka kampeon.ED