Home NATIONWIDE Sekyu itinumba ng nainis na kabaryo

Sekyu itinumba ng nainis na kabaryo

1
0

ILOCOS SUR – Tigok ang isang 35-anyos na security guard matapos barilin sa ulo ng isa niyang kabaryo sa bayan ng Banayoyo ng lalawigang ito nitong hapon ng Sabado, Setyembre 19.

Ayon sa Banayoyo MPS, ang suspek ay nasa legal na edad o hustong gulang.

Bandang ala-1:40 ng hapon ay rumesponde ang mga personnel ng Banayoyo MPS sa isang bahay sa naturang bayan matapos silang makatanggap ng tawag tungkol sa nangyaring shooting incident mula sa isang concerned citizen.

Pagdating nila sa lugar ay nakita nila ang biktimang nakabulagta na may gunshot wound sa ulo.

Ayon sa mga witness na nakausap ng mga rumespodeng PNP personnel, ayaw umanong papasukin ng suspek sa kanyang bahay ang biktima ngunit nagpumilit itong pumasok.

Ikinainis umano ng suspek ito kaya binaril nito sa ulo ang biktima gamit ang hindi matukoy na kalibre ng baril.

Matapos barilin ang biktima ay agad na tumakas ang suspek.

Isinugod naman sa ospital ang biktima ngunit hindi na nagawang isalba pa ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here