Home NATIONWIDE DFA: One China Policy ‘di hadlang sa ugnayan ng Pilipinas, Taiwan

DFA: One China Policy ‘di hadlang sa ugnayan ng Pilipinas, Taiwan

2
0

MANILA, Philippines — Nanindigan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi nagbabago ang One China Policy ng Pilipinas, ngunit nilinaw nitong hindi nito hinahadlangan ang economic, cultural at functional cooperation ng bansa sa Taiwan.

Ayon sa DFA, nananatiling “consistent, clear and unchanged” ang polisiya alinsunod sa 1975 Joint Communiqué, kung saan kinikilala ng Pilipinas ang gobyerno ng People’s Republic of China bilang tanging legal na pamahalaan ng China.

Dumating ang paglilinaw kasunod ng pagtutol ng Beijing sa plano ng Taiwan na magbukas ng representative office sa Cebu, na magiging ikalawang tanggapan nito sa Pilipinas matapos ang Manila Economic and Cultural Office sa Makati. Layunin ng planong opisina na magsilbi sa mga biyahero at negosyanteng Taiwanese sa central Philippines.

Nauna nang hinimok ng Chinese Foreign Ministry ang Pilipinas na sundin ang one-China principle sa pamamagitan ng “concrete actions” at umiwas sa mga hakbang na ayon dito ay maaaring makasama sa relasyon ng Manila at Beijing.

Binigyang-diin naman ng DFA na maaari pa ring ituloy ng Pilipinas ang pakikipagtulungang pang-ekonomiya, kultura at iba pang functional cooperation sa Taiwan sa ilalim ng umiiral na polisiya.

Sinabi rin ng kagawaran na patuloy nitong gagamitin ang diplomasya, bukas na komunikasyon at mapayapang paglutas sa mga sigalot alinsunod sa international law habang isinusulong ang pambansang interes at kapakanan ng mga Pilipino sa magkabilang panig ng Taiwan Strait. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here