Home NATIONWIDE DICT bukas sa Ombudsman probe sa ‘ghost internet’ scheme

DICT bukas sa Ombudsman probe sa ‘ghost internet’ scheme

6
0

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang buong kooperasyon nito sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa umano’y iregularidad sa mga government-funded information technology at connectivity projects.

Sinabi ng DICT na handa nitong isumite ang mga kinakailangang dokumento, technical information at iba pang rekord upang makatulong sa fact-finding investigation.

“We are treating this matter with utmost urgency and stand ready to provide any records, technical information, and assistance necessary to support a thorough and impartial investigation,” pahayag ng kagawaran.

Iniimbestigahan ng Ombudsman ang tinaguriang “ghost internet” scheme, kung saan sinasabing may mga kontratistang nag-install umano ng mas murang, outdated o pekeng software para sa mga ahensya ng gobyerno.

Ayon sa DICT, kailangang masuri nang mabuti ang anumang alegasyon ng non-performing systems, maling deklarasyon ng project deliverables at posibleng maling paggamit ng pampublikong pondo.

Binigyang-diin din ng kagawaran na ang mga ICT project na pinopondohan ng gobyerno ay dapat aktuwal na makapaghatid ng serbisyong ipinangako sa publiko.

Wala pang inilalabas na pinal na findings ang Ombudsman at nananatili pa sa yugto ng fact-finding investigation ang usapin. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here