Home HOME BANNER STORY Malacañang lockdown, kasado ngayong Sept. 21 dahil sa mga protesta

Malacañang lockdown, kasado ngayong Sept. 21 dahil sa mga protesta

5
0

MANILA, Philippines — Isasailalim sa lockdown ang Malacañang complex ngayong Lunes, Setyembre 21, kasabay ng inaasahang malalaking kilos-protesta para sa ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sarado ngayong araw ang New Executive Building (NEB), na kinaroroonan ng ilang tanggapan ng Malacañang, bilang bahagi ng standard security protocols.

Suspendido rin ang operasyon ng Presidential Action Center (PACe), habang lilimitahan ang access sa mga kalsada at gate patungo sa Malacañang bilang bahagi ng pinaigting na seguridad.

Inaasahang magtitipon ang iba’t ibang grupo sa Liwasang Bonifacio bago magmartsa patungong Mendiola Peace Arch upang magsagawa ng programa kaugnay ng Martial Law anniversary at iba pang isyung kanilang isinusulong.

Suspendido rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Maynila dahil sa inaasahang epekto ng mga aktibidad sa seguridad at trapiko.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na iginagalang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang karapatan ng publiko sa mapayapang pagtitipon at pagpapahayag ng hinaing, habang nananawagan itong iwasan ang karahasan sa mga demonstrasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here