MANILA, Philippines — Pinalawig ni Sen. Loren Legarda ang kanyang medical leave hanggang ikalawang linggo ng Oktubre, kinumpirma ni Senate Secretary Renato Bantug nitong Lunes, Setyembre 21.
Sakop ng kanyang pinalawig na leave ang Setyembre 21 hanggang 23, Setyembre 28 hanggang Oktubre 2, at Oktubre 5 hanggang 9. Nagsimula ang kanyang sunod-sunod na medical leave noong Agosto 3.
Nauna nang sinabi ng Senate leadership na nagpaalam si Legarda dahil sa isang seryosong karamdaman, bagaman hindi isinapubliko ang detalye nito.
Kasabay ng kanyang patuloy na pagliban sa Senado ang preliminary investigation ng Office of the Ombudsman kaugnay ng plunder at graft complaints laban sa kanya at sa anak na si Batangas Rep. Leandro Leviste dahil sa umano’y hindi natupad na solar power projects ng kompanya ni Leviste.
Kapwa naghain na ng counter-affidavit sina Legarda at Leviste at itinanggi nila ang anumang wrongdoing. Iginiit din ng kampo ni Legarda na walang government funds na sangkot sa mga alegasyon.
Nilinaw naman ni Bantug na nananatiling epektibo ang 2016 Senate order na hindi na nangangailangan ng pahintulot ng Senate President ang personal overseas travel ng mga senador. Ernie Reyes