Home NATIONWIDE 7M deboto inaasahang dadalo sa unang Papal Visit sa Argentina

7M deboto inaasahang dadalo sa unang Papal Visit sa Argentina

2
0

ARGENTINA – Inaasahang aabot sa pitong milyong katao ang dadagsa sa pagbisita ni Pope Leo XIV sa Argentina sa Nobyembre — ang unang pagbisita ng Santo Papa sa bansa sa loob ng halos apat na dekada.

Ayon sa gobyerno ng Argentina nitong Lunes, huling bumisita ang isang Santo Papa sa tradisyunal na Katolikong bansa noong 1987 pa.

Kahit si Pope Francis na tubong-Argentina ay hindi nakabalik sa sariling bansa noong kanyang pontificate.

Ang US-born na si Pope Leo XIV ay nakatakda ring bumisita sa Uruguay at Peru sa naturang apostolic trip.

Sa Argentina, magsasagawa ang Santo Papa ng tatlong open-air Mass at iba pang religious gatherings sa Buenos Aires at sa Cordoba province sa loob ng apat na araw, batay sa inilabas na itinerary ng Vatican.

Dahil sa inaasahang dami ng tao, naghahanda ang Argentina para sa pinakamalaking security operation sa kasaysayan nito.

Ayon kay Security Minister Alejandra Monteoliva, magbabantay ang mga pwersang panseguridad sa tatlong hurisdiksyon, tatlong paliparan, 11 closed-venue events at tatlong malalaking mass gatherings.

Pinag-aaralan din ng gobyerno ang pagdedeklara ng special non-working days o national holidays para mapadali ang biyahe ng mga deboto.

Nakatakdang makipagkita si Pope Leo kay President Javier Milei sa pagdating nito sa Buenos Aires sa Nobyembre 8, gayundin sa mga kinatawan ng civil society. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here