Home METRO Wanted na drayber arestado sa rape

Wanted na drayber arestado sa rape

1
0

MANILA, Philippines -Isang 55-anyos na driver ang naaresto sa bisa ng warrant of arrest at kabilang sa listahan ng Most Wanted Person sa buong rehiyon ng Calabarazon

Sa report, kinilala ang nadakip na suspek sa alyas na “Edil,” 55, driver at residente ng Tramo, Pasay City. makaraang ihain ang warrant of arrest sa Barangay Halayhay, Tanza, Cavite, nitong Setyembre 21, 2026.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang Warrant Personnel ng Trece Martires Component City Police Station sa naturang lugar matapos matunton ang kinaroroonan ng suspek.

Isinilbi sa suspek ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Flordeliz Cabanlit Fargas, Presiding Judge ng Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 5, Trece Martires City, noong Setyembre 30, 2024 kaugnay ng kasong statutory rape, docketed bilang TMCR No. 1106-24, na walang inirekomendang piyans

Dinala ang suspek sa Trece Martires City Police Station, kung saan siya kasalukuyang nakakulong. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here