Home NATIONWIDE DOJ: Tuloy-kaso sa missing sabungeros kahit ‘di sumipot ilang pamilya

DOJ: Tuloy-kaso sa missing sabungeros kahit ‘di sumipot ilang pamilya

2
0

MANILA, Philippines — Itutuloy ng Department of Justice (DOJ) ang mga kasong isinampa kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero kahit hindi na nakikipag-ugnayan sa mga prosecutor ang ilan sa mga pamilya ng mga biktima.

Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, hindi nakadepende sa presensya o pakikilahok ng mga pamilya ang pagpapatuloy ng criminal aspect ng mga kaso.

“Napansin namin unti-unti nawawala na ‘yung mga complainants at totally hindi na nakikipag-usap at nakikipag-ugnayan sa amin,” ani Fadullon.

Sa ngayon, 26 informations na ang naisampa laban sa mga sangkot umano sa kaso, kabilang ang 10 counts ng kidnapping with homicide at 16 counts ng kidnapping with serious illegal detention.

Ipinaliwanag ni Fadullon na mas mahalaga ang pakikilahok ng mga pamilya pagdating sa civil aspect ng kaso, gaya ng pagpapatunay sa maaaring danyos na kanilang hilingin.

Aniya, magkaiba ang ebidensyang kailangan upang patunayan ang criminal liability at ang ebidensyang kinakailangan para sa posibleng damages.

“For me, there is no price for the life of any individual. No amount can pay for that,” dagdag ni Fadullon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here