Home METRO P14-M puslit na sigarilyo nasabat sa Zambo City

P14-M puslit na sigarilyo nasabat sa Zambo City

4
0

ZAMBOANGA CITY — Humigit-kumulang P14 milyong halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes ang narekober ng mga awtoridad matapos matagpuang abandonado sa baybayin ng Sitio Stanvac, Barangay Campo Islam sa Zamboanga City.

Ayon sa Police Regional Office-Zamboanga Peninsula, narekober ng mga tauhan ng 2nd Zamboanga City Mobile Force “Seaborne” Company ang kontrabando nitong Martes, Setyembre 22, matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa mga hinihinalang puslit na sigarilyo sa lugar.

Kasama ring natagpuan ang isang motorboat na pinaniniwalaang ginamit sa pagdadala ng mga kontrabando.

Sinabi ni Bureau of Customs-Port of Zamboanga Collector Manuel Zurbito na binubuo ang mga nakumpiska ng 94 master cases at 36 reams ng Dunston cigarettes.

Na-turn over na sa BOC ang mga nakumpiskang sigarilyo para sa kaukulang disposisyon at imbestigasyon.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng kargamento at kung saan ito nagmula. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here