Home ENTERTAINMENT Boyet, nagsalita na sa isyu nina Ian at Lotlot!

Boyet, nagsalita na sa isyu nina Ian at Lotlot!

1
0

Manila, Philippines – Sa pambihirang pagkakataon, nagsalita na si Christopher de Leon tungkol sa sigalot ng magkakapatid na lan at Lotlot de Leon.

Nagpaunlak ng sit-down interview ang aktor kay Ogie Diaz.

Ani Boyet (palayaw ni Christopher), marami nang nagnais mainterbyu siya tungkol sa paksa.

Public knowledge na nasubaybayan niya ang paglaki nina lan, Lotlot at ibang mga in-adopt nila ni Nora Aunor.

Hindi nga daw matatawaran ang closeness ng magkakapatid.

It is for this reason kung bakit inamin ni Boyet na nagulat–at nalungkot na din–na lang nang mag-away-away ang mga ito mula nang pumanaw si Nora.

Bale ba, ang mitsa ng isyu’y may kinalaman sa mga naiwan ng Superstar.

Gayunpaman, nilinaw ng beteranong aktor na hindi niya binabalewala ang isyung sangkot ang kanyang mga anak.

Ito’y para ituwid na din ang public perception na wala siyang ginagawa para magkasundo ang mga ito.

Sa katunayan, sa magkahiwalay na pagkakataon daw ay kinausap niya sina lan at Lotlot.

Isa ito sa mga hakbang na ginagawa ni Boyet para pag-ayusin ang dalawa.

Naniniwala si Boyet that in God’s time ay magkakasundo din ang magkakapatid: “Kumbaga, pareho pang mainit. Pero hindi din naman ako papayag na hindi sila magkakaayos.”

‘Yun naman pala, eh. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here