Home OPINION
2
0

MAGHANDA NA VS

SUPER EL NINO

NAGBABALA na ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa pagdating ng super El Nino na nagsimula na at matatapos sa Marso 2027.

Buong bansa ang hahaplitin ng napakainit na panahon at nanganganib, lalo na ang produksyon ng pagkain.

‘Yung bang === masisira ang mga palayan at gulayan dahil matutuyo at magkabitak-bitak ang mga lupa habang matutuyo naman ang mga palaisdaan, maging ang mga ilog sa mga pagitan ng mga bundok.

Masasama ring matuyo ang mga puno, nagbubunga man o hindi.

Gaya ng ating nasasaksihan tuwing tag-araw, tanging ang malalaking ilog, lawa at karagatan ang hindi matutuyuan.

TATAMAAN NG SUPE EL NINO

Ayon sa PAGASA, heto ang iskedyul ng pagtama ng supe El Nino.

Sa katapusan ng Oktubre 2026, 28 lalawigan ang makararanas ng mainit na kapaligiran, 9 ang tagtuyot at 8 ang matatamaan ng pagbitak-bitak ng lupa.

Sa Nobyembre naman, 35 lalawigan ang maging mainit ang kapaligiran, 35 ang tagtuyot at 8 ang magkaroon ng bitak-bitak na lupa.

Sa Disyembre, 16 lalawigan ang makararanas ng init sa kapaligiran, 31 ang matutuyot at 19 ang magkabitak-bitak ang lupa.

Sa Enero naman 2027, 5 lalawigan ang maging mainit ang panahon, 37 ang matutuyot at 43 ang magkabitak-bitak ang lupa.

Sa Pebrero, 35 lalawigan ang matutuyot at 50 ang magkabitak-bitak ang lupa.

Sa Marso, 5 lalawigan ang matutuyot habang 79 ang magkabitak-bitak ang lupa.

PATUBIG, IRIGASYON IHANDA

Dahil hindi biro-biro ang super El Nino na maaaring masingitan lang ng kaunting bagyo at ulan, dapat paghandaan na ng lahat ang masamang epekto nito lalo na sa agrikultura o produksyon ng pagkain.

Walang mabubuhay na palay nang walang sapat na tubig at maging ang maraming uri ng gulay.

Wala ring makapagtatanim ng palay kung walang tubig mula sa simula hanggang katapusan ng produksyon.

Gaya ng nagaganap sa maraming palaisdaan o fishpond, wala ring mabubuhay na isda, hipon at iba pang alaga rito.

Nadadamay ring mamatay o magkasakit hanggang mamatay ang mga alagang hayop na nabubuhay sa damo gaya ng mga baka, kalabaw, kambing at kauri ng mga ito.

Ang mga punong prutas, matatamaan din sa paglaki at pagbubunga nang maayos.

Para malabanan ang pagkatuyo at pagbitak-bitak ng mga lupa na ikinamamatay ng mga damo para sa mga hayop at pananim para sa tao, nasaan ngayon ang mga proyektong patubig at irigasyon?

Hindi naman natin maaasahan gaano ang mga dam na maaaring magtipid sa pagpapakawala ng tubig kung darating ang panahon na tubig-inumin lang ang ilalabas nila at wala para sa agrikultura, gaya ng ginagawa lagi ng Angat Dam.

NATIONAL, LOCAL GOVERNMENTS MAGTULUNGAN
Sinasabi nina PAGASA Administrator Nathaniel T. Servando at Department of Science and Techonolgy Secretary Renato U. Solidum Jr. na dapat seryosohin ang masamang panahong ito, lalo na ang pambansa at mga lokal na pamahalaan.

Nasaan ang mga pondo, pasilidad, makinarya at tao ng pambansang pamahalaan at local government units na magsisilbing protektor ng mga mamamayan na matatamaan?

Saan kukuha ng sapat na tubig para masuplay sa mga palayan, gulayan, prutasan, palaisdaan at iba pa na may produksyon pagkain na nabubuhay sa tubig?

O baka naman nalululong na lahat sa impeachment at paghahanda higit sa lahat para sa halalang 22028…kung matutuloy ito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here