Home NATIONWIDE DOLE, iba pang ahensya nagkasundo para wakasan forced, child labor

DOLE, iba pang ahensya nagkasundo para wakasan forced, child labor

1
0

MANILA, Philippines – Pinagtibay ang pangakong wakasan ang forced labor at child labor, lumahok ang Department of Labor and Employment (DOLE) kasama ang mga pangunahing stakeholders at iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa National Strategic Planning Workshop on Developing the Philippines’ Roadmap Towards Becoming an Alliance 8.7 Pathfinder Country, sa Makati City mula Setyembre 23 hanggang 24, 2026.

Sa mensahe ni Labor Secretary Francis N. Tolentino na inihatid ni Assistant Secretary Atty. Loreto B. Acharon, binigyang-diin na ang aktibidad ay sumasalamin sa pinagsamang responsibilidad at kolektibong pangako, na sumusuporta sa isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na de-kalidad at disenteng trabaho.

Nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat si Secretary Tolentino sa International Labor Organization (ILO) sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan at ng kinikilala sa buong mundo na karapatang pantao at karapatan sa paggawa.

“Secretary Francis Tolentino is pleased to commend and extend our deepest gratitude to the International Labor Organization for their invaluable partnership and technical guidance. As chairperson of the National Council against Child Labor, the Department affirms our full support for this strategic activity,” ani Assistant Secretary Acharon sa mensahe mula kay Secretary Tolentino.

Binigyang-diin naman ni Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) Director Leilani Reynoso ang estratehikong halaga ng pagiging Alliance 8.7 pathfinder country ng Pilipinas, na aniya ay susuporta sa pangmatagalang layunin sa pambansang kaunlaran.

Sa pagtitipon ng mga ahensya ng gobyerno, manggagawa, employer, survivors, civil society organizations, at development partners, layon ng workshop na paigtingin ang pagtutulungan at pinagsamang responsibilidad, na nakaangkla sa patuloy na pagsisikap ng DOLE na panatilihin ang matatag na pakikipagtulungan upang mapalawak at mapahusay ang serbisyong publiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here