Home NATIONWIDE DBM inatasan ni PBBM sa pagpapalawak sa mga bagong irrigation service areas

DBM inatasan ni PBBM sa pagpapalawak sa mga bagong irrigation service areas

1
0

MANILA, Philippines -IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa Department of Budget and Management ang pagpapalawak ng mga bagong irrigation service areas sa ilalim ng Irrigation Services Program ng National Irrigation Administration (NIA) sa susunod na taon.

Layon nito na mas maraming sakahan ang maging produktibo at mas maraming magsasaka ang masuportahan ng pamahalaan,

Tinatayang aabot sa P30.44 bilyong piso ang inilaan ng DBM sa pangunguna ni Secretary Kim Robert de Leon para sa Irrigation Services Program ng NIA.

Target nitong makapag-develop ng 11,153 ektarya ng mga bagong irrigation service areas ng NIA sa pangunguna ni Administrator Eddie Guillen.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na bahagi ng layunin ng irigasyon ang pagtaas ng produktibidad sa agrikultura at pagtulong sa mga magsasaka na harapin ang mga panganib dulot ng climate change kabilang na ang El NiƱo.

Sinusuri rin aniya ng pamahalaan ang mga alternatibong solusyon tulad ng solar-powered irrigation upang higit na mapalakas ang suporta sa sektor ng agrikultura.

Para aniya kay Pangulong Marcos ang investment sa irigasyon ay bahagi nang mas malawak na food security agenda ng pamahalaan kasama ang suporta sa mga magsasaka at mangingisda, produksiyon ng pagkain at pagpapataas ng farm productivity.

Ipinapakita rin aniya nito ang matibay na pangako ng Pangulo sa sektor ng agrikultura sa kabila ng lahat ng hamong dulot ng climate change. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here