Home ENTERTAINMENT Jopay, may reax na kay Rochelle!

Jopay, may reax na kay Rochelle!

1
0

Manila, Philippines – Sumagot na din si Jopay Paguia sa umano’y ‘di pagkakaunawaan ng

grupo nilang Sexbomb Girls.

Of all na puwedeng maging behikulo to address the issue ay sa vlog pa ni Sen. Imee Marcos pa napiling magsalita ni Jopay.

Ani Jopay bilang reaksyon sa naging pahayag ni Rochelle Pangilinan: “Ang sa akin na lang, I respect na lang kung ano ‘yung sinabi niya.

Hindi ko naman sinabing totoo na ganoon ako.”

Napag-usapan ang tungkol sa work ethic: “Kung work ethic lang po, pilay ako. Wala ako dito. Sa akin kasi, may pamilya po ako.”

Pero paglilinaw ni Jopay, there exists no bad blood between her and Rochelle Pangilinan.

Very much willing pa din daw siya na makatrabaho ito.

Sa katunayan, Jopay is still part of the group’s upcoming shows.

“Pero kung ayaw niya po akong kausapin, it’s okay. Wala naman pong problema sa akin,” saad niya.

To prove her point, it’s always Jopay pala who initiates the move: “Laging ako ang nag-a-approach. Pag dinecline, eh, ‘di decline. Wala naman po akong magagawa. Hindi ko naman siya mapipilit kung ayaw niya.”

Nagpadala din daw ng message si Jopay kay Rochelle, telling her she loves the latter and that feeling won’t change.

Itinanggi din ni Jopay na kaya may isyu sila ni Rochelle ay dahil gusto niyang mamuno sa grupo.

“Ayoko pong maging leader dahil ayoko pong magturo. Hindi kasi ako bossy,” giit ni Jopay.

Minsan nang nilinaw ni Rochelle na mahalaga ang respeto–bukod sa disiplina–if the other Sexbomb Girls wanted her to lead the group. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here