ZAMBALES, Philippines – Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang magnitude 4.6 na lindol malapit sa Zambales nitong Lunes ng umaga, alas-8:54 a.m.
May lalim itong 10 kilometro at ang epicenter ay nasa koordinat na 15.46°N, 119.47°E, o humigit-kumulang 47 kilometro hilaga ng Palauig, Zambales.
Naitala ng Phivolcs ang Instrumental Intensity II sa Masinloc. Wala namang agad na naiulat na pinsala o nasugatan dahil sa lindol. RNT/MDS