Home NATIONWIDE Taguig project na may Leyte coordinates, iimbestigahan ng DPWH

Taguig project na may Leyte coordinates, iimbestigahan ng DPWH

3
0

TAGUIG CITY, Philippines – Iniimbestigahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang proyekto sa Taguig City matapos lumabas na ang mga larawang may geotag ay nasa Leyte, na mahigit 600 kilometro ang layo.

Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na wala pang pinal na resulta sa imbestigasyon sa naturang Discaya project.

Ito ay matapos kuwestiyunin ni Sen. Panfilo Lacson ang naunang pahayag ni Dizon sa budget hearing na walang ghost projects sa Taguig, na itinuturing na political bailiwick ng pamilya Cayetano.

“Kaya nagpapasalamat din ako kay Sen. Ping, binring up niya. Mayroong nakita doon na in 3 cases, yung isang project noong 2022 sa Taguig na ang contractor ay St. Timothy, Discaya company yon, mayroong tatlong case na ang coordinates ay yung coprdinates ay hindi sa Taguig, nasa Leyte,” ani Dizon sa mga mamamahayag sa Davao City.

“Yun ay finlag doon sa report. At yun ay kasama sa continuing investigation na nakikipagtulungan ang Ombudsman at DPWH. At yun ay na-submit na. So tuloy tuloy pa rin yon at hintayin natin ang final. Kasi kailangan yan i-validate, kailangan yan ibangga sa iba’t ibang dokumento at i-verify onsite,” dagdag niya.

Itinanggi naman ni Sen. Alan Peter Cayetano ang mga iregularidad sa mga infrastructure project sa Taguig, kung saan alkalde ang kanyang asawang si Lani Cayetano. Inakusahan din niya si Lacson ng pagsasagawa ng “demolition job.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here