MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang ‘mahusay na pagganap’ ng Pilipinas sa 2025 Programme for International Student Assessment (PISA), tinukoy ang nakamit na pakinabang sa pagbabasa, agham at matematika habang patuloy na ipinatutupad ng bansa ang reporma sa sektor ng edukasyon.
“A few weeks ago, the Organisation for Economic Co-operation and Development, or OECD, released the results of the Programme for International Student Assessment, or PISA 2025,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa Recognition of PISA Participating Schools and Education Partners, idinaos sa President “Cory” Corazon C. Aquino National High School, sa Pasay City.
Winika ng Pangulo na ang assessment ang nagbigay ng malinaw na larawan kung ano ang magagawa sa 15-year-old mula sa kanilang natutunan.
“After all, education is just about what students know and what they learn. We want our children to understand what they read, apply mathematics to solve day-to-day problems, and use science to improve their lives,” ayon sa Pangulo.
“And that’s why, compared with our results from 2022, we have seen improvements,” aniya pa rin.
Sinabi pa ng Pangulo na tumaas ng 20 puntos ang iskor ng Pilipinas sa pagbabasa, 17 puntos sa agham at 16 puntos sa matematika.
“This achievement was brought about by years of consistent guidance, encouragement, and support from teachers, families, schools, communities, and partners,” ang winika ng Pangulo.
Aniya, ito ang dahilan kung bakit kinikilala ng bansa ang mga mamamayan at institusyon na naging daan para maging posible ito.
Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Pangulo ang mga nagpartisipang eskuwelahan; school leaders; mga mag-aaral at kanilang magulang; local government partners; at lahat ng nag-ambag para sa mahalagang yugto na ito.
“We appreciate our teachers who have spent long hours in the classroom, guiding our learners so that they can perform well in this assessment,” ayon kay Pangulong Marcos.
Kinilala rin ng Pangulo ang katuwang ng gobyerno na nakatrabaho nito para maghanda para sa PISA 2025 kabilang na ang Frontlearners, Khan Academy Philippines, ConnectEd by Her Legacy, ang IT at Business Process Association of the Philippines, Rebisco Global Food Ventures, at One Meralco.
Samantala, kabilang naman sa mga bisita ay sina Department of Education (DepEd) Secretary Juan Edgardo Angara at Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano. (KRIS JOSE)