DOHA, Qatar – Nanawagan ang mga civil society organization (CSO) sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na magpatupad ng malinaw na pag-iwas sa fossil fuels, muling suriin ang panganib ng malalaking hydropower projects, at palakasin ang accountability sa mga komunidad na apektado ng mga proyekto.
Sa 2026 AIIB Annual Meeting, sinabi ng NGO Forum on ADB na dapat gawing prayoridad ng AIIB ang climate resilience, karapatan ng mga komunidad at pananagutan habang pumapasok ito sa ikalawang dekada ng operasyon.
Ayon kay Hemantha Withanage, International Convenor ng NGO Forum on ADB, “10 years down the road, AIIB is still behind in listening to the voices of communities on the ground. AIIB must accept that communities on the ground are the primary stakeholders in its climate and infrastructure financing. Community rights must be upheld, and accountability is fundamental to the sustainability of AIIB projects.”
Itinutulak ng Forum ang pagbabago sa Energy Sector Strategy (ESS) ng AIIB sa 2027, kabilang ang malinaw at may takdang panahon na pagtatapos sa exposure sa fossil fuels at pagtigil sa mga bagong approval para sa fossil gas at liquefied natural gas.
Ayon kay Nazareth Del Pilar, Just Transitions Advocacy Officer ng NGO Forum, dapat tiyakin ng AIIB na ang energy review ay may tunay at sapat na konsultasyon sa mga komunidad, CSO, human rights at environmental defenders.
Nanawagan din ang Forum na ihinto muna ang bagong malalaking hydropower financing habang sinusuri ang climate, geological, biodiversity at community risks. Kabilang sa binanggit ang Upper Trishuli-1 Hydropower Project sa Nepal, na may hanggang USD90 milyon na financing mula sa AIIB, at ang panukalang Dudhkoshi Storage Hydroelectric Project na maaaring makatanggap ng hanggang USD200 milyon.
Ayon kay Adv. Indira Shreesh ng INWOLAG, “Indigenous Peoples have lived with and protected the Trishuli and Dudhkoshi river systems for generations, yet they are too often treated as an afterthought in hydropower decisions. AIIB must guarantee free, prior and informed consent before any financing is approved, and make sure Indigenous communities have real access to remedy when their lands, livelihoods and cultural heritage are harmed.”
Sa Pakistan, binanggit din ang mga reklamo kaugnay ng BH Hydropower Project na pinondohan ng AIIB at Asian Development Bank, kabilang ang usapin sa safeguards, land compensation at pinsala sa mga bahay dahil sa tunnel blasting.
Hinikayat din ng Forum ang AIIB na suriin ang waste-to-energy projects, kabilang ang mga proyektong may incineration, upang matiyak na hindi nito nadaragdagan ang greenhouse gas emissions, polusyon at pangmatagalang panganib sa mga komunidad.
Binigyang-diin din ng grupo ang kahalagahan ng Project-affected People’s Mechanism (PPM) ng AIIB. Ayon sa pampublikong datos ng bangko, walang rehistradong PPM submission noong Hunyo 2026, na ayon sa Forum ay nagbubukas ng tanong tungkol sa kaalaman at access ng mga komunidad sa mekanismo.
Sinabi ni Rayyan Hassan, Executive Director ng NGO Forum, “An accountability mechanism only matters if communities can actually reach it before irreversible harm occurs.”
Dagdag niya, dapat maging bahagi ng accountability ng AIIB ang maagang pag-iwas sa pinsala, at hindi lamang remedyo matapos maapektuhan ang mga komunidad. RNT