MANILA, Philippines – Umakyat na sa P230 milyon ang jackpot sa Grand Lotto 6/55 matapos walang manalo sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, Setyembre 28.
Wala kasing nakahula ng winning combination na 48-15-44-37-34-33 para sa Grand Lotto 6/55 jackpot prize na nasa P230,978,278.61 na.
Samantala, wala ring nakakuha ng winning numbers na 21-14-19-38-40-02 para sa Megalotto 6/45.
Ang jackpot prize para rito ay P79,282,083.39. RNT/JGC