MANILA, Philippines – Sinuspinde ng transport group na MANIBELA ang kanilang tigil-pasada para makipag-usap sa Land Transportation Office (LTO) ngayong Martes, Setyembre 29.
Ayon sa grupo, magtutungo sa opisina ng LTO ang mga representative nito para sa isang meeting.
Matatandaan na nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga nagprotesta at ilang tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Lunes kasabay ng kilos-protesta ng MANIBELA.
Kinompronta ni MANIBELA chairperson Mar Valbuena ang tauhan ng LTFRB na kumukuha umano ng litrato ng plaka ng mga jeepney na lumahok sa strike.
Nilinaw naman ni LTFRB acting chairman Greg Pua na ang kinukuhanan ng litrato ay ang mga pasahero na nahihirapang makasakay para alamin kung kailangang magpadala ng libreng sakay. RNT/JGC