Home NATIONWIDE Live-in partner na tulak tiklo sa buybust

Live-in partner na tulak tiklo sa buybust

2
0

BATAAN – Timbog ang mag live-in partner na pawang mga tulak ng ipinagbabawal na droga matapos masakote ang mga ito sa ikinasang buybust operation ng pinagsanib na puwersa ng Bataan Police Drug Enforcement Unitt at Dinalupihan Municipal Police Station nitong lunes ng gabi sa Barangay Tucop, Dinalupihan.

Hindi na nakapalag pa ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jojo”, 51 anyos, jobless at alyas “Gara”, 47 anyos na mga taga-Lubao, Pampanga matapos maaktuhang magkasabwat umanong nagbenta ng shabu sa undercover police.

Nabatid na ang mag live-in na suspek na walang pinagkatandaan ay halos kalalaya pa lamang mula sa kulungan.

Ang lalaking suspek na mistulang level-up na mula sa dating pagiging “gun-runner” umano na nasakote ng pulisya kamakailan matapos maaktuhang nagbebenta ng mga di-lisensiyadong baril.

Habang ang babaeng suspek, Balik kulungan sa ikalawang pagkakataon sa parehong kaso din ng iligal na droga.

Giit ng mga suspek na aminado sa pagtutulak ng iligal droga (Shabu), kawalan ng trabaho at pambili daw ng gamot sa sakit at pantustos sa kani-kanilang mga pamilya ang nag-udyok sa kanila sa iligal na gawain.

Kwento ng mga suspek, ibinabagsak lang daw sa kanila ng hindi tinukoy na source mula sa Metro Manila.

Nasamsam sa mga suspek ang nasa mahigit 50 grams ng suspected shabu na may standard drug price na na hindi bababa sa P390,000 at ang marked at boodle money na ginamit sa buybust.

Balik kulungan ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here