Home METRO Seguridad sa mga paaralan sa Iloilo, pinaigting sa dumadaming online threats

Seguridad sa mga paaralan sa Iloilo, pinaigting sa dumadaming online threats

1
0

ILOILO CITY, Philippines – Pinaigting ng pamahalaang lungsod at Iloilo City Police Office (ICPO) ang seguridad sa mga paaralan matapos makatanggap ng ulat tungkol sa online threats laban sa hindi bababa sa dalawang public schools noong nakaraang linggo.

Nagpatawag si Mayor Raisa Treñas nitong Lunes ng emergency meeting kasama ang mga kinatawan ng 26 private schools na may high school at senior high school programs, Philippine National Police (PNP), at iba pang ahensya upang maglatag ng mga hakbang sa seguridad.

“As a mother and as Mayor, I do not want to wait for something to happen before we take action,” ani Treñas.

Tiniyak ng ICPO na seryoso nitong tinutugunan ang mga banta. Dinagdagan ang police visibility sa paligid ng mga paaralan at nakikipag-ugnayan ang pulisya sa mga school administration at Regional Anti-Cybercrime Unit 6 (RACU 6) upang matukoy ang pinagmulan ng mga banta at mga responsable.

Hinimok ng mga awtoridad ang publiko na manatiling kalmado at huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon, screenshots o haka-haka na maaaring magdulot ng takot at pangamba.

“We don’t want to instill fear. We want to project calm, confidence, presence, communication, and care,” ani Treñas.

Hiniling din ng alkalde sa mga paaralan na agad ireport sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang mensahe upang masuri ng PNP at cybercrime units ang pinagmulan nito at matukoy ang nararapat na aksyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here