MANILA, Philippines – Tuluyan nang “nagkita” si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes sa Senado bilang testigo sa impeachment ni Vice President Sara Duterte sa unexplained wealth na nakatakda Article II.
Nitong umaga ng Martes, Setyembre 29, nanumpa bilang testigo si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte nitong Martes sa impeachment trial ng kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.

Ipinatawag siya ng House prosecution panel para magpatotoo kaugnay ng mga transaksyon ng Davao City government sa GenCorp Industries Inc. — kumpanyang idineklara umano ni VP Duterte bilang isa sa kanyang business interests sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN.
Ayon sa mga naunang testigo, 15 food service contracts na nagkakahalaga ng P34,216,900 ang iginawad ng Davao City government sa GenCorp mula Hunyo 2022 hanggang Hunyo 2026. Sa nasabing panahon, nakaupo na si Baste bilang alkalde ng Davao at si VP Sara bilang bise presidente.
Sa mga naunang pahayag, sinabi ni Mayor Duterte na wala siyang alam na si VP Sara ay incorporator o may kinalaman sa GenCorp, dahil wala ang pangalan ng bise presidente sa mga corporate records ng kumpanya bilang stockholder.
Pero sa SALN ni VP Duterte, idineklara niya ang sarili bilang stockholder ng GenCorp mula 2016 hanggang 2025.
Dapat sanang sasaksi si Mayor Duterte noong Lunes, pero humingi siya ng palugit sa impeachment court para makumpleto muna ang mga dokumentong hinihingi sa kanya sa pamamagitan ng subpoena.
Samantala, dumalo rin sa Senado nitong Martes si dating Senador Antonio Trillanes IV para obserbahan ang pagdinig.







