Home NATIONWIDE PBBM sa ASEAN: bigyan mga kababaihan ng mas malaking papel sa decision-making 

PBBM sa ASEAN: bigyan mga kababaihan ng mas malaking papel sa decision-making 

3
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ASEAN member states na bigyan ang mga kababaihan ng mas malaking papel sa decision-making.

Para sa Pangulo, ang kanilang liderato ay mahalaga sa ‘seguridad, katatagan at tagumpay ng rehiyon.

Sa pagsasalita sa 4th ASEAN Women Leaders’ Summit sa Mandaluyong City, araw ng Martes, sinabi ni Pangulong Marcos na nananatiling kulang ang representasyon ng mga kabaaihan sa ASEAN governments, inilalarawan ito hindi lamang bilang isang representation gap kundi bilang isang leadership gap.

“Women’s leadership is not optional to our regional agenda. It is the core driver of our security, resilience and prosperity,” ang sinabi ng Pangulo.

“This is not simply a gap in representation; it is a gap in leadership in whose voices shape the decisions that affect our region,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Ang Pangulo, nagsilbi bilang ASEAN chair ngayong taon, hinikayat ang bloc na magtatag ng mas malakas na leadership budgets, isulong ang mga hakbang na makapagbubukas ng mga landas para sa mga kababaihan para sa decision-making positions, at magtatag ng isang regional network na magkokonekta at susuporta sa women leaders sa iba’t ibang lugar sa Southeast Asia.

Tinuran pa nito, kailangang tiyakin ng rehiyon na makikinabang ang mga kababaihan mula sa economic opportunities, sabay sabing mahigit sa 60 milyong micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa ASEAN ay pag-aari o pinangangasiwaan ng mga kababaihan.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na ang limitadong access sa capital at digital skills ay patuloy na nagsisilbing hadlang sa women-led enterprises.

“Under the Philippines’ chairship, we are accelerating digital financial inclusion and ensuring market integration explicitly benefiting women-led enterprises,” ang winika ni Pangulong Marcos.

Iniugnay naman ng Pangulo ang liderato ng mga kababaihan sa kapayapaan at seguridad, tinukoy ang ASEAN Women, Peace and Security Agenda at binigyang diin na “when women sit at the table, peace agreements are more durable, and rebuilding is more inclusive.”

Kasabay nito, tinawagan ng pansin ni Pangulong Marcos ang gender-based violence sa online spaces habang ang ASEAN ay patuloy na dini-digitalize.

“We cannot speak of empowerment while our women and girls face harassment and abuse online,” ang sinabi pa rin ng Chief Executive.

Sinabi ni Pangulong Marcos na handa ang Pilipinas na makipagtulungan at ugnayan sa ASEAN sa pag-develop ng digital frameworks para gawing mas ligtas ang online spaces para sa mga kababaihan.

Sa kabilang dako, nakiisa naman si Pangulong Marcos sa joint ministerial statement ukol sa women’s leadership for inclusive prosperity na in-adopt sa summit upang magsilbi bilang roadmap para sa konkretong aksyon para sa climate action, technological innovation, economic participation, at peace and security.

“Declarations and summits are certainly valuable, but action is our true currency,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Hnikayat naman ng Pangulo ang ASEAN members na i- translate ang commitments sa national development plans at regional frameworks tungo sa ASEAN Community Vision 2045.

Bukod pa sa hinimok ng Pangulo ang ASEAN women leaders na “keep demanding space” at umapela sa kapwa lider na ipagpatuloy lamang ang pagtatrabaho hanggang ang equality ay maging makatotohanan para sa mga kababaihan at kabataan sa Southeast Asia. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here