Home METRO Most wanted sa Ilocos Region, arestado sa Tacloban

Most wanted sa Ilocos Region, arestado sa Tacloban

1
0

TACLOBAN CITY, Philippines – Arestado nitong Lunes ang isang 38-anyos na lalaki na itinuturing na ikatlong most-wanted person sa Ilocos Region.

Ang suspek, na tubong San Juan, Abra, ay naaresto sa Barangay 93, Bagacay, Tacloban City ng mga tauhan ng Santo Domingo Municipal Police Station at iba pang police units.

Ayon sa Ilocos Sur Provincial Police Office (ISPPO), isinagawa ang operasyon batay sa mga warrant para sa tatlong counts ng qualified rape na walang inirekomendang piyansa, at dalawang counts ng lascivious conduct na may piyansang P120,000 bawat kaso.

Nakibahagi sa operasyon ang Regional Intelligence Unit 8, Regional Intelligence Unit 14, San Juan MPS sa Abra, Ilocos Sur Provincial Intelligence Unit, Ilocos Sur Provincial Intelligence and Detective Management Unit, 101st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 1, Vigan City Police Station, at Tacloban City Police Station.

Ayon sa ISPPO, ipinakita ng pagkakaaresto ang kahalagahan ng intelligence gathering at koordinasyon ng mga police unit sa paghahanap ng mga wanted person na tumatawid sa iba’t ibang hurisdiksyon.

Hinimok naman ng pulisya ang publiko na magbigay ng mapagkakatiwalaang impormasyon upang makatulong sa pagtunton sa iba pang mga pugante. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here