MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nasa labas na ng bansa si dating House Speaker Lord Allan Velasco.
Sa pahayag ng BI nitong Setyembre 29, sinabi ng ahensya na batay sa kanilang mga rekord, walang umiiral na Hold Departure Order (HDO) o derogatory alert laban kay Velasco na maaaring pumigil sa kanyang pag-alis ng Pilipinas.
Gayunman, hindi na nagbigay ang BI ng karagdagang detalye tungkol sa immigration records ni Velasco dahil sa mga alalahanin hinggil sa data privacy.
Ayon sa ahensya, patuloy nitong ipatutupad nang pare-pareho ang mga batas at polisiya sa immigration habang tinitiyak ang wastong proteksyon at pagiging kumpidensiyal ng personal na impormasyon ng mga indibidwal.
Nilinaw ng BI na limitado ang impormasyong maaari nitong ibahagi kaugnay sa immigration records ng isang tao alinsunod sa mga umiiral na panuntunan sa privacy. JAY Reyes