MANILA, Philippines – Nangako si Senate President Win Gatchalian na ibibigay ang kinakailangang suporta sa budget para sa Sandiganbayan upang makatulong na mabago ang persepsyon hinggil sa talamak na korapsyon sa gobyerno.
“Gusto nating suportahan ang Sandiganbayan dahil kailangan nilang palakasin ang kanilang kakayahan, maging mas mahusay, at makakuha ng karagdagang tauhan upang matugunan ang napakaraming kasong inihahain sa anti-graft court,” pahayag ni Gatchalian sa isang kamakailan na pagdinig ukol sa panukalang 2027 badyet ng hudikatura.
Ginawa ng Senate President ang pahayag sa isang kamakailang pagdinig sa badyet bilang reaksyon sa rekomendasyon ng Department of Budget and Management na bawasan ang badyet ng Sandiganbayan ng P551 milyon.
“Hindi ako sumasang-ayon sa rekomendasyon na bawasan ang badyet nito ng P551 milyon. Dapat nga dagdagan pa para masuportahan ang mabilis na paglilitis,” diin niya.
Patuloy ang pagdami ng bilang ng mga kaso hinggil sa kontrobersiyal na mga proyekto sa flood-control simula nang ihain ng Ombudsman ang unang kaso noong Nobyembre 2025, ayon kay Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Faith Econg.
Sa kasalukuyan, 26 na kaso laban sa mga senador at kongresista na may kaugnayan sa gulo sa flood control ang naihain na sa Sandiganbayan, aniya. Ernie Reyes