Home METRO Rider nahulog sa kanal, dedbol!

Rider nahulog sa kanal, dedbol!

2
0

ILOCOS SUR, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng isang 42-anyos na lalaki matapos mahulog sa kanal nang sumemplang sa kalsada ang minamaneho nitong motorsiklo sa bayan ng Sto. Domingo ng lalawigang ito nitong madaling-araw ng Martes, September 29.

Ayon sa Sto. Domingo MPS, ang biktima ay residente ng Magsingal, Ilocos Sur.

Bandang alas-2:35 ng madaling-araw ay bumibiyahe ang biktima papuntang hilagang direksyon.

Pagdating sa pakurbang bahagi ng kalsada, biglang nawalan ng kontrol sa manibela ng sasakyan ang driver hanggang sa sumemplang sa kalsada ang kanyang motorsiklo.

Nabatid na pagkatapos sumeplang sa kalsada ang motor nito,  nahulog pa sa sewage channel ang biktima.

Dahil dito, ang biktima ay nagtamo ng blunt chest trauma at multiple abrasions sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Agad na isinugod sa Magsingal District Hospital ang biktima.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here