Home METRO Kasambahay sa Central Visayas, may P500 dagdag-sahod – DOLE

Kasambahay sa Central Visayas, may P500 dagdag-sahod – DOLE

1
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis N. Tolentino ang Wage Order No. ROVII-DW-06 na nagbibigay ng P500 dagdag sa buwanang minimum wage ng mga domestic worker sa Central Visayas, kabilang ang Negros Oriental at Siquijor.

Kasama sa magiging epekto ng dagdag-sahod ang kanilang 13th-month pay at kontribusyon sa Social Security System (SSS), PhilHealth at Pag-IBIG.

Bago ipatupad ang wage order, nagsagawa ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)-VII ng konsultasyon at public hearings kasama ang labor at employer sectors at iba pang stakeholders.

Epektibo ang bagong minimum wage sa Oktubre 14, 2026. Hinikayat ng DOLE ang mga employer na sumunod at ang mga kasambahay na alamin ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng wage order.

Para sa mga tanong o concern tungkol sa wage adjustment, maaaring makipag-ugnayan sa DOLE sa kanilang opisyal na Facebook page, mag-email sa [email protected], o tumawag sa DOLE Hotline 1349. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here