MANILA, Philippines — Suspendido ang face-to-face classes sa ilang lugar at paaralan sa bansa ngayong Miyerkoles, Setyembre 30, dahil sa transport strike ng ilang grupo ng transportasyon.
Sa Albay, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan at lilipat sa alternative learning modalities.
Nagpatupad din ng online o alternative learning arrangements ang ilang unibersidad at kolehiyo:
Adamson University — online synchronous classes sa lahat ng antas
Bicol University — online classes at work-from-home arrangement
Carlos Hilado Memorial State University — walang face-to-face classes sa Alijis, Fortune Towne at Talisay campuses
Centro Escolar University — alternative mode of learning
San Sebastian College-Recoletos Manila — online synchronous classes
Technological Institute of the Philippines — asynchronous learning
University of the East — walang physical classes sa lahat ng antas sa UE Manila at UE Caloocan; online synchronous learning ang ipatutupad
Inaasahang madaragdagan pa ang listahan habang naglalabas ng magkakahiwalay na abiso ang mga lokal na pamahalaan at paaralan kaugnay ng transport strike. RNT