Home NATIONWIDE P344M jackpot sa Ultra Lotto, ‘di pa rin nasungkit

P344M jackpot sa Ultra Lotto, ‘di pa rin nasungkit

1
0

MANILA, Philippines — Umakyat na sa mahigit P344 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 matapos walang bettor na makahula sa winning combination sa draw nitong Martes, Setyembre 29.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakakuha sa kombinasyong 12-20-31-55-38-18, kaya umabot na sa P344,755,600.48 ang jackpot.

Wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49, na may winning combination na 27-16-41-02-39-20 at jackpot na P27,787,157.37.

Hindi rin tinamaan ang kombinasyong 02-23-31-32-15-13 sa Lotto 6/42, kaya walang nakapag-uwi ng P66,369,399.81 na jackpot prize.

Sa Ultra Lotto 6/58, nasa 1 sa 40,475,358 ang tsansa na makuha ang jackpot, ayon sa PCSO. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here