Home NATIONWIDE Face-to-face classes suspendido sa ilang lugar, paaralan sa Sept. 30 sa transport...

Face-to-face classes suspendido sa ilang lugar, paaralan sa Sept. 30 sa transport strike

1
0

MANILA, Philippines — Suspendido ang face-to-face classes sa ilang lugar at paaralan sa bansa ngayong Miyerkoles, Setyembre 30, dahil sa transport strike ng ilang grupo ng transportasyon.

Sa Albay, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan at lilipat sa alternative learning modalities.

Nagpatupad din ng online o alternative learning arrangements ang ilang unibersidad at kolehiyo:

Adamson University — online synchronous classes sa lahat ng antas

Bicol University — online classes at work-from-home arrangement

Carlos Hilado Memorial State University — walang face-to-face classes sa Alijis, Fortune Towne at Talisay campuses

Centro Escolar University — alternative mode of learning

San Sebastian College-Recoletos Manila — online synchronous classes

Technological Institute of the Philippines — asynchronous learning

University of the East — walang physical classes sa lahat ng antas sa UE Manila at UE Caloocan; online synchronous learning ang ipatutupad

Inaasahang madaragdagan pa ang listahan habang naglalabas ng magkakahiwalay na abiso ang mga lokal na pamahalaan at paaralan kaugnay ng transport strike. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here