Home HOME BANNER STORY Ex-Speaker Lord Allan Velasco nasa labas ng bansa — BI

Ex-Speaker Lord Allan Velasco nasa labas ng bansa — BI

3
0

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) nitong Martes, Setyembre 29, na kasalukuyang nasa labas ng Pilipinas si dating House Speaker Lord Allan Velasco.

Ayon sa BI, walang umiiral na Hold Departure Order (HDO) o derogatory alert laban kay Velasco na sana’y makapipigil sa kanyang pag-alis ng bansa. Tumanggi naman ang ahensya na magbigay ng iba pang detalye hinggil sa kanyang biyahe dahil sa data privacy concerns.

Ang kumpirmasyon ay kasunod ng mga alegasyon ni dismissed police officer Rodulfo Gracioso Jr., na nagsabing naghatid umano siya ng mga maleta ng pera kina Vice President Sara Duterte, dating Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte sa umano’y utos ni Velasco. Iniimbestigahan pa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga pahayag ni Gracioso.

Mariing itinanggi ng kampo ni Velasco ang mga alegasyon at tinawag itong walang batayan at gawa-gawang pag-atake laban sa dating House Speaker.

Itinanggi rin ni Vice President Duterte na kilala niya si Gracioso o nakatanggap siya ng pera mula rito. Samantala, wala pang tugon mula kina dating Pangulong Duterte at Rep. Paolo Duterte sa mga alegasyon sa oras ng naunang ulat. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here