Home NATIONWIDE Tips kontra El Niño, inilatag ng CCC sa publiko

Tips kontra El Niño, inilatag ng CCC sa publiko

1
0

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Climate Change Commission (CCC) ang publiko na paghandaan ang mga posibleng epekto ng El Niño, kabilang ang matinding init, kakulangan sa tubig at mas mataas na panganib ng sunog, habang nagpapatuloy ang naturang climate phenomenon sa bansa.

Batay sa pinakahuling agricultural weather advisory ng PAGASA nitong Setyembre 29, moderate to strong El Niño ang umiiral sa tropical Pacific at inaasahang magpapatuloy hanggang unang bahagi ng 2027. Posible rin umano itong umabot sa “very strong” level bago matapos ang 2026.

Kabilang sa mga hakbang na inirerekomenda ng CCC ang pagpapanatiling malamig ng tahanan gamit ang natural cooling methods, pag-inom ng sapat na tubig, at paglalagay ng mga halaman na maaaring makatulong magbigay ng lilim.

Para naman makatugon sa posibleng kakulangan sa tubig, hinihikayat ang mga pamilya na magtipid at, kung maaari, mangolekta ng tubig-ulan para sa mga gawaing hindi nangangailangan ng potable water. Pinayuhan din ng PAGASA ang mga magsasaka na magtipid sa tubig, panatilihing maayos ang irrigation systems at gumamit ng drought-tolerant crops.

Nagpaalala rin ang CCC hinggil sa pag-iwas sa sunog, gaya ng hindi pag-iiwan ng nilulutong pagkain nang walang bantay, pag-iwas sa outdoor cooking kapag mahangin, at paghahanda ng fire extinguisher at emergency plan sa bahay.

Mahalaga rin umano ang paghahanda ng grab-and-go emergency bag na may flashlight, baterya, first-aid supplies at iba pang pangunahing pangangailangan. Hinikayat din ang mga komunidad na magtulungan sa paghahanda at pagtugon sa mga panganib na maaaring idulot ng El Niño. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here