Home HOME BANNER STORY ‘Not guilty plea’ ipinasok ni Brice Hernandez, 6 pa sa Bulacan flood...

‘Not guilty plea’ ipinasok ni Brice Hernandez, 6 pa sa Bulacan flood control graft case

7
0

MANILA, Philippines — Naghain ng not guilty plea si dismissed Department of Public Works and Highways (DPWH) official Brice Hernandez at anim pang dating tauhan ng Bulacan First District Engineering Office sa kasong graft kaugnay ng umano’y P77-milyong ghost flood control project sa Balagtas, Bulacan.

Kasamang naghain ng not guilty plea sina dismissed DPWH officials Jaypee Mendoza at Juanito Mendoza, gayundin sina Arjay Domasig, Niño Morales, Floralyn Simbulan at Christina Pineda, na nasa floating status.

Binigyan naman ng korte ng 10 araw ang apat na opisyal na nasa floating status upang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat isailalim sa preventive suspension habang dinidinig ang kaso.

Sa arraignment, itinuro ng depensa na nakasaad sa criminal information na walang inirekomendang piyansa kahit bailable offense ang graft. Hiniling naman ng prosekusyon na amyendahan ito upang magtakda ng P90,000 bail.

Ang kasong graft ay may kaugnayan sa flood control project na iginawad sa SYMS Construction Trading at idineklarang 100% complete noong Mayo 2, 2025.

Gayunman, ayon sa Office of the Ombudsman, lumabas sa inspeksiyon na wala umanong aktuwal na flood control structure sa lugar. Ang naturang alegasyon ang bahagi ng kasong kailangang patunayan ng prosekusyon sa korte.

Nauna nang nag-plead not guilty ang pitong akusado sa hiwalay na malversation charges kaugnay ng parehong proyekto.

Sina Hernandez, Domasig, Pineda at dalawang Mendoza ay nahaharap din sa magkahiwalay na graft at malversation cases kaugnay naman ng isa pang umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here