Manila, Philippines – Ibinasura ng Bacoor Regional Trial Court (RTC) ang apela ni Archie
Alemania kaugnay ng kasong isinampa laban sa kanya ni Rita Daniela.
Umapela kasi ang aktor para baligtarin ang naunang desisyon ng Bacoor Municipal Trial Court (MTC).
Guilty verdict ang naging desisyon ng Bacoor MTC na isinagawa noong October 2025.
Katwiran ni Archie, hindi umano kapani-paniwala ang ginawang paglalarawan ni Rita base sa insidente.
Pirmado ni Presiding Judge Persephone Meir B. Belena, pinagtibay ng Bacoor RTC Branch 116 ang desisyon na Bacoor MTC Branch 2.
“Guilty beyond reasonable doubt”–saad ng korte.
Git ng korte sa argumento ni Archie: “The acts described, restraining, kissing and groping inside a vehicle are not inherently possible. They may be uncomfortable or difficult, but not contrary to human experience.”
At presstime, wala pang pahayag si Archie tungkol sa pagkakabasura ng kanyang apela. Ronnie Carrasco IiI