Home ENTERTAINMENT Regine, nagpa-checkup sa S’pore!

Regine, nagpa-checkup sa S’pore!

1
0

Singapore – Quo vadis?

Ito ang makulit na tinatanong sa Asia’s Songbird na si Regine Velasque–what’s next after her Finale concert in October?

Nilinaw ni Regine na hindi na daw niya keri magkaroon ng solo concert sa malaking venue.

Lalo’t to be honest ay napapagod siya sa preparations–dahilan para hindi siya makatulog, sumakit ang ulo’t magdulot ng anxiety.

To make matters worse ay ang pagkakaroon daw niya ng “menopause voice” most especially at her age.

Mismong si Regine na din ang nagsiwalat na bumiyahe siya patungong Singapore for a much-needed checkup.

Napansin kasi niyang nagka-crack ang kanyang singing voice.

Good thing tungkol sa kanyang Singapore checkup–wala naman daw diperensya sa kanyang vocal chords.

But with age comes menopause voice.

Ayon sa doktor na sumuri sa kanya, nababalutan daw ng mucus ang lalamunan niya–bagay na hindi nangyari noon sa kanya.

Sinagot na din ni Regine what’s next for her after Finale.

Aniya, given the opportunity ay baka ikunsidera niyang dalhin ito sa labas ng bansa.

Even doing movies ay sinukuan na din daw ng misis ni Ogie Alcasid.

Feeling niya, hindi na daw siya marunong umarte bukod sa katotohanang she’s too old to be in the movies.

May edad ba ang isang true blue artist…? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here