Home ENTERTAINMENT Yeng, nag-Angkas sa US embassy!

Yeng, nag-Angkas sa US embassy!

1
0

Manila, Philippines – Sabi nga, if there’s a will, there’s a way.

Tila sa palasak na pagsasalin nito sa wikang Tagalog–para-paraan.

Talk about Yeng Constantino’s para-paraan to get to the US Embassy for her much-needed visa.

Napilitan tuloy mag-avail ng Angkas ang singer-songwriter para sa kanyang early morning appointment sa embahada.

Ayon sa Instagram kuwento ni Yeng, she needed to secure a US visa for her series of concerts.

Namali daw siya ng intindi sa text message ng kanyang handler.

What she thought was 9:00 am call time at the embassy ay alas siyete y medya pala ng umaga!

Naloka daw talaga siya, at na-tense sa sunud-sunod na followup ng handler niya.

Imagine nga naman daw ang mahabang pila, may briefing pang dapat pagdaanan.

Yeng was left no choice but to book Angkas–huwag lang siyang maatraso ng dating sa US Embassy!

Napilitan siyang sumakay sa likod ng Angkas ng rider wearing a helmet habang nagdarasal na sana’y makarating on time.

Awa ng Diyos, dininig ang kanyang panalangin, kasabay ng aral na natutunan niya.

Moral lesson–read the text message carefully.

‘Yun na! Ronnie Carrasco IiI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here