Home NATIONWIDE Bebot sinaksak ng kapitbahay sa Cavite sa alitan

Bebot sinaksak ng kapitbahay sa Cavite sa alitan

4
0

MANILA, Philippines – Isang ginang ang kasalukuyang inoobserbahan ngayon sa pagamutan makaraang pasukin ng kanyang kapitbahay at pagsasaksakin dahil lamang umano sa matagal nang alitan ng dalawa sa Barangay Bernardo Pulido, GMA, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang biktima na si alyas Len, 26-anyos, may asawa na nagtamo ng mga tama ng saksak at kasalukuyang inoobserbahan sa General Emilio Aguinaldo Hospital sa Trece Martires City, Cavite.

Nakilala naman ang suspek na si alyas “Allen”, 25-anyos, residente rin ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:30 ng umagang nang pasukin ng suspek ang biktima sa loob ng bahay na armado ng patalim sa hindi malamang kadahilanan ay kaagad itong pinagsasaksak.

Isang alyas Rose naman ang nakasaksi sa pangyayari kung kaya mabilis na nakahingi ito ng tulong sa pulisya.

Mabilis namang dumating ang mga rumespondeng Barangay Public Safety Officer (BPSO) hanggang sa naaresto ang suspek.

Narekober mula sa suspek ang isang patalim na pinaniniwalaang ginamit sa pananaksak.

Lumalabas sa imbestigasyon na isang lumang alitan ang tinitingnang motibo ng suspek.

Nasa kustodiya ng GMA Municipal Police Station ang suspek kasama ang nakumpiskang patalim habang inihahanda ang kasong kinahaharap nito.

Inaalam pa rin ng pulisya ang posibleng naging motibo ng suspek sa tangkang pagpatay sa biktima. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here