Home NATIONWIDE Tarlac representative sinuspinde ng 90 araw ng Sandiganbayan sa kaso ng graft

Tarlac representative sinuspinde ng 90 araw ng Sandiganbayan sa kaso ng graft

4
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Sandiganbayan sa loob ng 90 araw si Tarlac Rep. Noel Rivera kaugnay ng nakabinbing nitong dalawang kaso ng graft sa umano’y pagkakasangkot nito sa isang kompanya na nakakuha ng kontrata sa gobyerno.

Sa desisyon ng 6th Division ng Sandiganbayan ay sinabi ng korte na kailangang sumailalim sa suspensyon ang isang opisyal ng gobyerno na ang kinakaharap na kaso ay paglabag sa Anti-Graft and Corrupat Practices Act.

“Accused Rivera was given the opportunity to assail the validity of the in formations. He previously filed his Motion to Quash on the ground that the facts charged in the information do not constitute an offense.”

Ngunit sa resolusyon ng Sandiganbayan noong Setyembre 9, 2026 ay dinismis ng korte ang Motion to Quash dahil sa kakulangan ng merito.

“The arguments as to the validity of the informations raised by accused Rivera in his instanct Comment are merely substantial reiterations fo those in his previoys Motions to Quash,” nakasaad pa rin sa desisyon ng Sandiganbayan.

Naunang ikinatuwiran ni Rivera na hindi na siya dapat pang suspendihin dahil siya ay nag-divest na sa Tarlac 3-G Construction and Development Corporation kung saan napaulat na nakakuha ito ng P94.86 milyong kontrata sa isang road project sa San Narciso, Zambales noong 2023.

Ang isa pang kaso na nakabinbin laban sa kongresista ay ang pagkakasangkot diumano nito sa P14.35 milyong kontrata para naman sa pagsasaayos ng Tarlac-Guimba Road sa Victoria, Tarlac noong 2024.

Sa desisyon ay nakasaad pa na, “Accordingly, the Court hereby orders the suspension pendente lite of accused Noel Nudo Rivera as a member of the House of Representatives, and from any other public position he may now or hereafter hold for a period of 90 days from receipt of this Resolution.”

Banggit pa sa resolusyon na pinadalhan na ng Sandiganbayan ng kopya ng suspensyon ni Rivera si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III upang maipatupad ang naturang suspensyon ng mambabatas.

Kasabay nito ay inatasan din ng Sandiganbayan ang tanggapan ni Speaker na ipaalam sa korte sa loob ng 15 araw matapos matanggap ang suspensyon ng anumang ginawang aksyon ukol dito.

Si Rivera ay nasa ikalawang termino na ng pagiging kinatawan ng Tarlac mula nang ito ay maging mambabatas noong 2022. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here