Home HOME BANNER STORY Petisyon na kumikwestyon sa interpretasyon sa bagong voting threshold, ibinasura ng SC

Petisyon na kumikwestyon sa interpretasyon sa bagong voting threshold, ibinasura ng SC

1
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na kumikwestyon sa naging interpretasyon sa bagong ‘voting threshold’ ng Senate Impeachment Court.

Kabilang rito ang petisyon nina Atty. Vic Rodriguez at Atty. Ernesto Francisco Jr.

Sa kanilang petisyon, kinuwestyon ang naging interpretasyon ng Senado sa “two-thirds vote” para magkaroon ng ‘conviction’ sa isang ‘impeachment case.’

Sa desisyon ng SC, hindi na nito tinalakay ang merito ng mga argumento at sa halip ay ibinasura ang mga petisyon dahil sa mga procedural reasons tulad ng kawalan ng legal standing at pagiging premature ng mga ito.

Iginiit ng mga petitioner na dapat bilangin sa botohan ang lahat ng miyembro ng Senado o 24 senators kabilang ang mga nakakulong, nagtatago, may sakit o pansamantalang hindi makakadalo kaya kinakailangang pa rin na 16 votes o 2/3 ng mga senador para sa conviction.

Sa ngayon, nananatiling umiiral ang interpretasyon ng Senado sa voting threshold sa impeachment proceedings. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here