Home HOME BANNER STORY Alokasyon ng tubig sa Metro Manila posibleng bawasan na ngayong buwan sa...

Alokasyon ng tubig sa Metro Manila posibleng bawasan na ngayong buwan sa El Niño —NWRB

4
0

MANILA, Philippines – Posibleng bawasan na ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila ngayong buwan bilang paghahanda sa epekto ng El Niño, ayon sa National Water Resources Board (NWRB).

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., ang alokasyon para sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System ay maaaring ibaba sa 44 cubic meters per second (cms) ngayong Oktubre.

Mas mababa ito sa karaniwang 50 hanggang 53 cms na alokasyon.

Nananatiling pangunahing source ng tubig sa Metro Manila ang Angat Dam na umaasa naman sa mga pag-ulan.

“Hangga’t maaari po ay gamitin muna iyong ibang puwedeng mapagkunan ng tubig ng MWSS. Nandiyan po iyong water treatment facilities diyan sa Laguna Lake, at iyong iba pong mga water treatment facilities diyan po sa Cavite at bandang Paranaque,” ani David.

Patuloy naman na magmomonitor ang NWRB sa lebel ng tubig at kondisyon ng suplay habang nagpapatuloy ang El Niño. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here