Home NATIONWIDE Budget ng OP, kaagad inaprubahan ng Senate Committee on Finance

Budget ng OP, kaagad inaprubahan ng Senate Committee on Finance

4
0

MANILA, Philippines – SA LOOB lamang ng 16 na minuto na pagdinig, kaagad na inaprubahan ng Senate Committee on Finance ang budget na hinihingi ng Office of the Presidente na P10.15b.

Humarap sa komite si Executive Secretary Ralph Recto kung saan ipinresenta nito ang panukalang P10.15 billion budget ng OP, 64% na mas mababa mula sa 2026 budget.

“Rest assured, we crafted this proposed budget strictly, within the parameters and processes established by the DBM. We sought no special treatment. We submit this proposal to Congress’ constitutional authority and with readiness to answer any and all of your questions,” ayon kay Recto.

Nauna rito, bago pa man ilahad ni Recto ang batayan ng hinihinging budget, nag-mosyon si Senate President Sherwin Gatchalian na aprubahan na ang budget ng OP.

“Typically meron tayong interparliamentary courtesy na binibigay sa Office of the President, pero hindi lang interparliamentary courtesy, mayroon pang inter-senator courtesy dahil and head ay isang former inter-colleague,” ayon kay Gatchalian.

May kahalintulad din na sentimyento sina Senador Joel Villanueva at Kiko Pangilinan.

“It’s so weird to see our former colleague on the other side of the table,” ani Villanueva.

Samantala, sinabi ni Pangilinan na habang sang-ayon siya sa interparliamentary courtesy, humirit naman siya ng hiwalay na miting kasama ang Anti-Agricultural Sabotage Council para makakuha ng updates sa kanilang aktibidad.

Anila, ginagalang ng Senado ang co-equal branch ng gobyerno at paggalang din kay Recto na naging kap[wa nila senador at itinuturing nilang mentor sa senado.

Sa kabilang dako, nagpasalamat naman si Recto na nagpaliwanag na ang budget na request ng OP para sa susunod na taon ay 64% na mas mababa kumpara ngayong taon.

Mas malaki aniya ngayong taon dahil ikinarga sa OP ang budget para sa idaraos na ASEAN Summit sa Nobyembre.

Ipinagmalaki ni Recto na nabigyan ang OP ng Commission omn Audit ng unmodified opinion, pagkilala sa maayos na paggasta ng pondo.

Ani Recto, nakapaloob sa kanilangh panukalang budget ang P4 bilyong piso na confidential funds na hindiman natanong sa com mittee hearing, maaari aniyang itanong sa plenary deliberations ng Senado na handa naman nilang sagutin gaya sa Kongreso.

Nagsimula ang pagdinig ng Committee on Finance nang 4:30 ng hapon at ang budget ay itinuring na isinumite ng alas- 4:46 ng hapon. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here