Home NATIONWIDE 3 panukala para sa mga OFW, aprubado sa ikalawang pagbasa sa Kamara

3 panukala para sa mga OFW, aprubado sa ikalawang pagbasa sa Kamara

4
0

MANILA, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa ang tatlong panukalanag batas na magbibigay ng legal at tulong pinansyal sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Una sa mga naipasa matapos ang sponsorship speech ni Agimat party-list Rep. Bryan Revilla, chairperson ng House committee on overseas workers affairs ay ang House Bill 9462 na nagpapalawak sa paggamit ng legal assistance funds (LAF) na malaking tulong sa mga OFW na nahahanrap sa mga usaping ligal sa ibang bansa.

“An overseas Filipino worker can use the fund from the moment they are investigated, detained, arrested, or charged. The support continues all throughout the trial and during any appeals,” ani Revilla.

Dagdag pa ni Revilla na ang pondo ay ayuda sa mga OFW para sa kanilang apila sa kaso o magreklamo laban sa mapang-abusong amo.

“The rules of using the LAF will also apply to the DMW’s [Department of Migrant Workers] action fund. This ensures that the government’s fund for legal aid is used in a standard, efficient, and careful way.”

Pangalawa ay ang House Bill 9806 na nagkakaloob naman ng libreng financial education programs sa mga OFW at sa kanilang pamilya.

“This bill aims to guide both land-based and sea-based OFWs whether documented or otherwise from fraud and debt traps from saving their money for a secure future.”

Sinabi ni Revilla na ang financial education ay magiging mandatory o mahalagang bahagi ng pre-departure orientation at post-arrival training seminars na isinasagawa sa mga embahada o job sites.

Pangatlo sa mga naipasa sa ikalawang pagbasa ay ang House Bill 9805 na nagbibigay ng panibagong ngipin laban sa krimen ng mga illegal recruiters na ginagawa karaniwan ng mga sindikato.

Kumpiyansa ang kongresista na kung ang panukala ay maipapasa ay tiyak na mapipigilan ang mga illegal recruiters na maipagpatuloy ang kanilang iligal na gawain sa pagsasabing “as amendments will facilitate their convictions.” Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here