MANILA, Philippines – Humarap at nanumpa na sa witness stand si Atty. Kathy Florence Baldonado, ang Register of Deeds ng Davao City.

Sa kanyang Offer of Testimony, sinabi ni House prosecutor Rep. Keith Flores na ilalatag ni Baldonado ang alegasyong itinago ni Vice President Sara Duterte ang kanyang yaman, partikular na ang isang ari-ariang may lawak na 379 square meters sa Davao City na nakapangalan sa kanyang asawang si Atty. Manases Carpio.








