Home NATIONWIDE Beauty clinic na sangkot sa pagkamatay ng pasyente, iinspeksyunin ng DOLE; posibleng...

Beauty clinic na sangkot sa pagkamatay ng pasyente, iinspeksyunin ng DOLE; posibleng ipasara

1
0

MANILA, Philippines – Iinspeksyunin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Huwebes, Oktubre 1, ang isang beauty clinic na nasangkot sa umano’y malpractice na ikinamatay ng pasyente, at posibleng ipasara kung mapatunayang lumabag sa Labor Code.

Nag-ugat ang isyu sa pagdinig ng Senado sa P26.162-bilyong panukalang budget ng DOLE para sa 2027, nang isiwalat ni Senador Raffy Tulfo na patuloy pa rin sa operasyon ang klinika at ang surgeon sa kabila ng dati nang insidente noong 2017.

“Mayroon siyang pasyente nung 2017, sinabay-sabay niya yung surgery… Ayun, namatay yung pasyente. Hindi pa nadala, nitong 2026,” giit ni Tulfo.

Noong 2017, nasawi ang isang 29-anyos na babae matapos sumailalim sa tatlong sabay-sabay na procedure – liposuction, buttock at breast augmentation.

Nitong nakaraang buwan, muli itong naungkat matapos dumulog sa NBI ang isang Filipino-American reality TV personality kaugnay ng pagkamatay ng kanyang ina, isang linggo matapos operahan sa kaparehong klinika.

Ayon kay DOLE Secretary Francis Tolentino, dapat kanselahin ang lisensya ng surgeon.

“We can do an immediate inspection tomorrow… If found violative of Article 128 of the Labor Code, kami na po magsasara,” ani Tolentino. Tiniyak din niyang makikipagpulong siya sa PRC at medical board para sa fact-finding investigation.

Samantala, inamin ng PRC na 2021 pa naisampa ang kaso laban sa surgeon, tatlong taon matapos ang unang insidente.

“Mayroon nang case, it was filed 2021… As to the recent case, we will do the investigation motu proprio,” sabi ni PRC Chairperson Charito Zamora.

Dito nag-react si Tulfo: “Three years? Ibig sabihin, ganoon kayo ka-inutil sa PRC.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here