Home NATIONWIDE Ama, himas rehas sa panggagahasa sa anak

Ama, himas rehas sa panggagahasa sa anak

1
0

SANTA MARIA, ISABELA — Himas rehas ang isang ama matapos silbihan ng warrant of arrest ng pulisya dahil di unao sa panggagahasa sa kanyang menor de edad na anak sa Barangay Quinagabian, Santa Maria, Isabela

Kinilala ang suspek sa alyas na “Sherwin,” 33 anyos, may asawa, laborer, elementary graduate, at residente ng nasabing lugar na tinaguriang Top 2 Most Wanted Person regional level sa rehiyon dos.

Ang operasyon ay isinagawa ng Tracker Team ng Santa Maria Police Station bilang lead unit, katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office, Provincial Intelligence Team Isabela West–Regional Intelligence Unit 2, at Regional Intelligence Division 2.

Batay sa imbestigasyon, ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ng isang menor de edad na biktima laban sa kanyang ama.

Batay sa reklamo biktima, magkakasunod na insidente ng sekswal na pang-aabuso na sinasabing naganap noong Nobyembre 13, 2023, Disyembre 25, 2025, at Abril 27, 2026, bukod sa iba pang insidenteng iniulat nito.

Matapos ang insidenteng iniulat noong Abril 27, 2026, nakatakas umano ang biktima at nagtungo sa bahay ng kanyang lolo, kung saan nito isiniwalat ang sinapit na pang-aabuso.

Ang insidente ay agad na iniulat sa mga kinauukulan at isinailalim sa kaukulang imbestigasyon, na humantong sa paghahain ng mga kaso laban sa suspek.

Ayon kay PCol. Manuel B. Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, patuloy na paiigtingin ng pulisya ang intelligence gathering at police operations laban sa mga wanted persons upang matiyak na ang mga may kinakaharap na kaso ay matutunton at mapapanagot alinsunod sa batas.

Ang matagumpay na operasyon ay nagpapakita ng ating commitment na ipatupad ang batas at tiyaking makakamit ng mga biktima at kanilang mga pamilya ang hustisya,” ani PCol. Bringas.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here